Reaksyong Papel ni Clyde Marc Garcia

Ang Pag-iral ng Dimensyon ng Pagkababae sa Kulturang Filipino

ni Armi R.A. Zamora-Francia

 

 

  1. Naniniwala ang awtor na ang pagkababae ay hindi kasing simle ng ating inaasahan kaya’t ginamit niya ang salitang “dimensyon” upang maihambing niya ang pagkababae sa isang figyur sa Geometry na may iba’t ibang lawak, lalim at taas. Ito’y totoo at akin’ itong sinusuportahan dahil ang nagluwal sa akin sa mundong ito ay isang babae. Isang babae rin ang aking pinagkakautangan ng buhay. Tadtadin man ako ng pinong-pino ay tiyak pa rin na ako’y hindi kailanman makababayad ng utang. Nais kong dagdagan ang salitang “dimensyon” na ginamit ng awtor upang maihambing ang pagkababe sa isang  geometrikong figyur at gawin itong 3D (3 dimensyonal). Sa akin, hindi sapat ang salitang dimensyon lamang upang maihambing ang pagkababae sa isang figyur sa Geometry sapagkat ang pagkababe ay isang figyur na may lawak, lalim, taas at dadagdagan ko pa ng pagkakaroon ng “kapal”. Ibig sabihin nito, ang pagkababae ay isang tunay at perpektong dimension na may kakayahang mapansin at maramdaman dahil sa sila’y totoo at hindi lamang isang point o representasyon lamang.
  2. Hindi dapat maliitin ang kakayahan ng mga babae dahil kahit noong una pa man na wala pa ang mga maimpluwensyang mananakop gaya ng mga kastila ay mga babae na ang mga namumuno dito sa Pilipinas. Tinatawag silang mga babaylan o catalona. Nangangahulugan lamang na hindi sila mahinang klase ng tao at hindi pambahay lamang gaya ng mag iniisip ng mga kalalakihan ngayon. Sa katunayan, marami ring mga kababaihan ang mga nakipaglaban at namuno sa mga naganap na mga pag-aalsa sa Pilipinas gaya nila Gabriela Silang, Tandang Sora at marami pang iba. Ang may kasalanan kasi kung bakit nabago ang dating pagtingin sa mga kababaihan ay ang mga mananakop, ninakaw nila ang likas na pag-aaring ito sa ating mga Filipino.
  3. Sa panahon ng krisis tulad ngayon, lalong tumitingkad ang distinksyon ng mahirap at mayaman. Napakasakit para sa isang babae ang inileleybel ng ating lipunan na kung babae ka at kabilang sa mga mahihirap, mababa ang magiging tingin sa iyo. At kung magpapaganda ang mga babaeng mahihirap ay pagtatawanan lamang kasabay ng pagsabing ng katagang “ambisyosa” samantalang kung ikaw ay babaeng ipinanganak sa ilalim ng nagniningning na bituin ay kahit anong gawin mo ay “in”
  4.  lalo na sa mga kalalakihan at kung magpapaganda ay lalo pang gaganda. Malaki ang oportunidad na gumanda ang pagmumuka dahil mayroong pambayad kay Dr. Vickey Bello. Napakali talaga ng agwat ng pagiging mayaman at ng mahirap lalo na kung babae ka. Hindi magiging patas ang tingin sa iyo sa lipunan. Ang babaeng mahirap ay katulong habang ang babaeng mayaman ay prinsesa.
  5. Sa kulturang Filipino mayroong pamantayan ng ganda. Laging nakikita ang mga pamantayan ng ganda sa mga artistang nagsisilitawan sa telebisyon. Ang ilan sa mga pamantayan ng ganda ay ang pagiging mataas, maganda ang katawan, maputi, etc. Idinidikta ang mga pamantayang ito ng mga komersyal sa tv, radyo at dyaryo araw-araw gamit ang mga naggagandahang mga artista. Bilang bunga nito ay nagkakaroon ng matinding obsesyon ang mga Filipino sa pagpapaganda at pagpapaputi. Ang pagpapaputi ay bunga ng “colonial mentality” na isinaksak ng mga dayuhan sa ating mga walang muwang na pag-iisip. Kaakit-akit kasi ang mga magagandang mga artista sa TV at sila’
  6. y ginagamit upang sa ganoon ay mabilog ang mga isip ng mga tao lalo na ang mga obses sa pagpapaganda na bumili na rin ng produktong iniindorso ng mga artistang ito. Halimbawa nito ay ang komersyal ni Christine Hermosa at Marian Rivera sa Maxipeel. Hindi natin naitanong sa ating sarili kung totoo nga ba ito. Ang mga nagkokomersyal ay sadyang mga mapuputi at kutis labanos, marahil nadadala lang tayo sa pamantayan ng kagandahan na kanilang ipinamumukha at idinidikta sa ating lahat na ang pagiging maputi ay kagandahan at nararapat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: