Reaksyong Papel ni Clyde Marc Garcia

Ang Krisis ng Pag-iwan at Naiiwan: Isang Deskriptibong

Pag-aaral sa mga Pinoy Expat at sa Kanilang Pamilya

Dolores R. Taylan

 

 

  • Ang pinakamatinding krisis na kasalukuyang nagaganap sa Pilipinas ay ang kahirapan dahil sa utang ng Pilipinas. Umabot na ito sa P 4.02 Trilyon ayon sa Press Release ng Bureau of Treasury noong Setyembre taong 2005. Nakakalungkot isipin ang kahirapang ito na pinagbabayaran nating mga Filipino dahil sa personal na interes ng mga tiwaling opisyales ng ating gobyerno na pinangungunahan mismo ng ating president. Ipinanlulutas ang lakas ng mga mangagawang Filipino lalo na ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na dugo at pawis ang puhunan maiahon lamang ang mga pamilyang naiwan sa Pilipinas. At isa pang nakakalungkot isipin ay ang malaking porsyento sa mga OFW ay mga babae. Ang buhay sa Pilipinas ay mahirap kaya maraming gustong lumabas ng bansa at magtrabaho. Hindi aalis ang mga kababayan nating mga Filipino kung hindi kailangan ng pera, pangangailangan na hindi maibigay ng gobyerno lalo na sa mga mahihirap. Mas may oportunidad daw ang mga Filipino sa ibang bansa at sumasangayon ako dito dahil hanggang ngayon ang ekonomiya ng ating bansa ay kuting pa rin kumpara sa ibang bansa gaya ng Thailand. Isa pang nakakahatak sa mga Filipino na mangibang bansa ay ang kalakihan ng sweldo. Ang kikitain nila sa ibang bansa ay hindi nila kikitain sa Pilipinas. Nakakalungkot nga lang isiping na nagsasakripisyo ang ating mga kababayan sa ibang bansa para lang gumaan ang kanilang buhay. Napakasakit malaman na hindi matulungan ng sariling bansa ang marami sa ating mga kababayang Filipino na umunlad ang buhay. Dahil dito napipilitang umalis ang isa o pareho sa mga magulang at iwan ang kanilang mga asawa’t anak na kung minsan pa ay madalas subukin ng panahon. Si mister o si misis ay dinadalaw ng tukso na kung saan ay nagbabadya ng pagkasira ng buong pamilya.      Ayon pa nga sa riserts at survey, isa sa sampung mag-asawa ang nagtatagal. Pero kung tutuusin sa panahon ngayon na napakaadvance na ng teknolohiya ay maiiwasan na ang mga ganitong pagkakataon. Ngayon nga ay nakikita mo na sa screen ang taong nais mong makausap, ito ay tinatawag na online chatting. Ibig sabihin hindi na rason ang komunikasyon sa paghihiwalay ng mag-asawa. Halimbawa nga nito ay ang aming propesor na si Ms. Taylan at awtor din ng artikulong ito. Sa awa naman ng Diyos at sa haba ng panahon ay hindi naman sila nagkahiwalay ng kanyang mister. Panay pa nga ang chatting nila tuwing madaling araw (2 am). Unti-unti ng nawawalan ng pag-asa ang mga Filipino sa ating bansa kaya sila umaalis.
  •           Isa pang dahilan ay dahil mahirap na ang Pilipinas. Mas naibibigay ang kakayahang Pilipino sa ibang tao. Habang nagyayabang ang gobyerno na gumaganda ang ekonomiya ng ating bansa ay doble naman ang gustong umalis ng bansa kahit mahal ang pamasahe. Hindi kaya nawawala na sa katinuan ng pagiisip ang mga opisyales ng gobyerno o sadyang nagbubulag-bulagan na lamang sila sa katotohanang nangyayari dahil sa abala sila sa kanilang mahahalagang gawain gaya ng pagnanakaw sa kaban ng bayan, pagbubuo ng mga milyonmilyong deal at mga proyektong hindi matapos tapos dahil sa tuwing magpapalabas ng pondo ang gobyerno ay hindi agad ito dumidiretso sa mga butas ng daan na dapat takpan kundi sa mga butas ng mga opisyal na kailangang takpan gamit ang pera ng bayan. Sana dumating ang araw na magising ang mga ito sa katotohanang nagaganap sa bansang Pilipinas  at sana hindi pa huli ang lahat.

One Response to “Reaksyong Papel ni Clyde Marc Garcia”

  1. marcusclyde Says:

    nice

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: