ANG KAAKUHANG FILIPINO AT MISTIPIKASYON SA ADVERTISEMENT

 

  • Ang pangmadlang midya tulad ng telebisyon, radio, dyaryo o magasin ay isa sa madalas na nagiging sanggunian ng mga individual kung papaano kikilos, magdedesiyon o mag-iisip. Sumasangayon ako sa mga katagang ito na binitawan ng awtor na si J. E. Torralba. Ako’y tila biglang nagising sa katotohanang matagal ko ng pinag-iisipan. Noong una ako ay naguguluhan kung bakit paiba-iba ang nagiging galaw ng mga tao sa bawat oras o bawat araw. Sa pamamagitan ng artikulong ito ay naunawaan ko na tila napakaimpluwensya at malaki ang ginagampanan ng midya sa pagbubuo ng identidad ng mga tao o mga manonood. Halimbawa na lamang nito ay ang mga advertisement ng mga malalaking kumpanya ng kompyuter sa mundo ng cyberspace, sa internet. Kapansin-pansin na masmaraming tao lalo na sa mga kabataan ang gumagamit ng mga laptop na ang tatak ay DELL, APPLE, ACER o kaya man ay HP. Maskokonte ang bumibili ng mga SONNY at FUJITSU. Kung tutuusin ay magkakasinghalaga lamang ang mga nabanggit kong mga laptop kung presyo ang ating pag-uusapan. Ang tanong, bakit karaniwang makikita na ang mga gumagamit ng mga DELL, APPLE, etc. ay mga kabataan at mayroon din pailan-ilan sa mga bigating mga negosyante? Gaya nga ng nasabi ng awtor, maimpluwenysa ang advertisement sa tao. Iniimpluwensyahan tayo kung ano ang ating bibilhin, pipiliin, o maspapanigan at pagtatawanan. Sa internet at mga magasin sandamakmak ang mga advertisement ng mga DELL at APPLE laptops na nagsasabing ang mga ito raw ang “nararapat” na bilhin ng mga magulang na kompyuter para sa kanilang mga anak dahil daw sa angking desenyong nababagay sa kabataan. Nakakatawa! Ano naman kaya ang koneksyon ng desenyo ng laptop sa kabataan at namimili pa ito. Sa isang magazine na nakita ko, sa seksyon ng shopping checklist ay ipinapakitang ang APPLE MACBOOK ay para kay kuya habang ang TOSHIBA naman ay para kay ate at syempre hindi mawawala ang kay daddy na HP. Kung magiging kritikal lang ang mga makakakita nito ay tiyak na mapapansin ang pagiging ispisipiko nito at ang pagdidikta ng mga bagay na nararapat “daw” kay kuya, ate at daddy. Hindi lamang tayo dinidiktahan nito kundi pinapakealaman at iniimpluwensyahan pa tayu kung ano ang dapat nating bilhin o bigyan pansin. Malaking kaululan ito para sa atin lalo na sa mga mamimili. Dahil sa kagustuhan ng mga malalaking kumpanya na mabenta lahat ng kanilang mga units ay talamak ang kanilang ginagawang pagpropormote ng kanilang mga kompyuter upang maging mabili, mabango at masarap sa tingin ng mga tao kahit kabaligtaran naman nito ang taglay na itinatago. Hindi naman sa gusto kong siraan ang mga kompanyang ito kundi gusto ko lang magbigay ng paliwanag kung papaano nakakaimpluwensya ang advertisement sa ating mga tao. Sa dami ng kanilang mga advertisement sa internet, dyaryo at sa mga magazine ay nahihikayat at tila nahihipnotismo tayo na  bumili na rin.
  • Kinakailangang malaman na ang kapangyarihan ay hindi lamang nagmumula sa midya kundi sa mamimili o audience mismo. Kahit gaano katamis ang pagkakasabi o description ng mga produkto ay hindi ito dapat pagkatiwalaan kaagad. Nararapat lamang na kumunsulta rin sa mga nakasubok upang hindi ito pagsisihan. Sa huli, nasa mamimili pa rin ang huling disisyon kung magpapaapekto ba siya o hindi sa mga matatamis at nakahihikayat na mga advertisement. Kailangan lang nating maging kritikal sa pagbabasa ng mga simbolo at pagsusuri sa mga ads na ating mga nakikita. Ang hirap kasi sa atin, hindi tayo nag-iisip kaya kadalasan nalilinlang tayu ng mga ads. Halimbawa, ang komersyal ng “Ponds” ipinapahiwatig nito na ang pagiging maputi ang susi upang makabingwit ng mga kalalakihan. At ayun, ang mga kadalagahan naman ay dagsahan din sa mga outlet upang bumili ng nasabing produkto kahit walang kasiguraduhan na magiging epektibo nga ito. Samakatwid, kailangan nating mag-isip sa lahat ng oras upang hindi malinlang at magulangan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: