Reaksyong Papel: Romulus D’ Grayt

Nakamamangha ang dulang Romulus D’ Grayt na aking napanood sa PETA nito lamang Linggo. Nagpapasalamat ako at nabigyan kami ng pagkakataon ng aming butihing Propesor na si Doc Lhai na masaksihan ang isang hindi ordinaryo at basta-bastang dula sapagkat ito’y naglalaman ng maraming mga ideya na mababatid sa bawat dayalogo ng mga nagsisiganap sa dula. Nasabi kong na ang dulang ito ay hindi ordinaryo dahil hindi biro ang gumanap sa teatro lalo na sa harap ng maraming manonood at ang karamihan pa sa mga ito ay nanggaling pa sa mga malalaki at sikat na mga unibersidad gaya na lamang ng DLSU-M. Nakakagulat din ang pagganap ng mga artista sapagkat sa aking pakiramdam ay lubha akong natamaan ng kanilang mga pagganap lalo na parteng nagtatalo na si Romulus at ang kanyang asawa tungkol sa pagbagsak ng imperyo ng Roma at lalo pang nagbigay sigla sa aking panonood ay ang pag-arte at pakikipagbalitaktakkan ng mga artista. Naaalala ko rin na tumatayo ang aking mga balahibo habang pinanonood ko ang dula. Hindi ako takot ngunit kakaiba ang aking nararamdaman na parang ako’y nasa totoong eksena na sa totong buhay naman ay naroon lamang ako na nanonood ng kanilang nakamamanghang pagganap. Sa aking wari’y matatalino ang nasa likod ng pagkakabuo ng dulang Romulus D’ Grayt. Nasabi ko ito dahil organisado ang naging daloy ng palabas at wala akong nabatid na paghinto, paglimot sa dayalogo, o kaya man ay hindi maintindihang parte. Mahirap gawin ang isang palabas na may halong komedya, drama at aksyon ngunit kabaliktaran ito nang ipinakita ng palabas sa PETA na naibahagi nila ng wasto ang hatid na mensahe ng dula sa katulad kong manonood na walang-dagdag bawas na siyang lubhang magpapabago sa orihinal na dula na likha ni Friedrich Dürrenmatt. Higit sa lahat ay binabati ko rin ang mga nagsiganap sa palabas na dahil sa kanila ay nabigyang kulay ang buhay ni Romulus D’ Grayt. Napakahalaga ang kanilang mga ginampanang papel sa dula. Dahil sa kanilang taglay na kagalingan at lakas ng loob ay matagumpay nilang naibahagi sa aming mga manonood ang napakagandang palabas. Wala akong masabing negatibo tungkol sa palabas na ito. Murang-mura ang tiket ng PETA sa ganito kagandang uri ng palabas. Kung sana ganito lahat ang ipinapapanood sa mga kabataan ay siguro mahihimok kaming lahat na mahalin ang literature at magkaroon ng malaking interes sa mundo ng enterteynment.

Labis ding nakatulong ang paggamit ng mga tauhan ng “taglish” sapagkat dahil dito ay lalo pa nilang naihatid ng maayos ang mensahe sa mga manonood. Sa araw-araw na pamumuhay ay hindi natin maiiwasan ang paggamit ng taglish sapagkat ang wika natin ay binubuo ng bernakular, Ingles, Chinese, Espanyol at iba pang mga uri ng salita. Maging sa loob ng paaralan ay laganap ang paggamit ng naturang uri ng mga salita. Sa kasalukuyan ay komportable ang mga tao sa paggamit ng taglish ngunit kung minsan ay hindi. Nasabi kong hindi dahil dipende sa pagkakasalita o yung tono ng pagbigkas. Minsan naiinis tayu sa mga taong sosyal dahil maging ang salita ay “sinososyalan” nila kahit hindi naman kailangan, ibig kong sabihin ay maarte ang pagkakabigkas at hindi naman pare-parehas ang isip ng tao kaya kung minsan naiinis tayu sa mga ganitong personalidad. Ngunit kung gagamitin ito ng wasto at isasaalang-alang ang bawat kaisipan ng tao ay magiging mainam itong istilo ng komunikasyon. Isang halimbawa ng aking binibigyang diin ay ang paggamit ng taglish sa dulang pinalabas sa PETA. Naging mainam ito upang makuha ang atensyon ng mga manonood. Nagamit din ito upang hindi mainip ang mga manonood bagkus ay patawanin kami habang seryoso ang tema ng usapan. Dahil sa moderno na ang ating panahon ay naisipan din siguro ng PETA na gawing taglish ang palabas. Sa aking wari’y kung ang palabas ay magiging purong tagalaog tiyak na maiinip ang mga manonood lalo na ang mga modernong kabataan. Kahit nga sa musika, masgustong pakinggan ng mga kabataan ang mga kanta ngayon o yaong tinatawag na “pop music” kaysa sa “opm”.

                        Bumabagsak na ang kaharian ni Emreror Romulus ngunit wala pa rin aksyong ginagawa ang nasabing emperor. Isinasawalang kibo na lamang niya ito ay pinagtutuunan ng pansin ang pangingitlog ng kanyang mga manok. Wala na siyang ginawa kundi kumain at matulog ayon sa kanyang asawang si reyna Julia. Hindi nagtagal at nilayasan siya ng kanyang asawa’t anak papuntang Sicily ngunit sa kasamaang palad ay nalunod silang lahat at tanging si Zenon lamang ang nakaligtas. Hindi naman nalungkot si Romulus sapagkat alam niyang mangyayari yaon. Maya-maya ay dumating na ang pwersa ni Odoacer kasama ang kanyang pamangking si Theodoric at malugod naman silang tinanggap ni Romulus at maging ang kanyang kamatayan. Ngunit bigo lahat ng kanyang mga akala. Nais palang humingi ng tulong si Odoacer sa kanya. “Magkapareho sila ng plano ni Odoacer na kailangan nang matigil ang pagkasakim ng mga tao sa kapangyarihan.” Alam din ni Odoacer na kung magpapatuloy ang kanyang paghahari ay papatayin din siya ng kanyang pamangkin maliban lang kung siya’y maging hari ng Italya kaya napagkasunduan nilang dalawa ni Romulus na siya ay hatulang “Hari ng Italya” at magretiro si Romulus sa kanyang posisyon at magkakamit ng taunang pensyong anim na libong gintong barya at titira sa kanyang villa. Dito na nagtatapos ang dula.

            Maihahambing din natin ang mga naganap na digmaan sa dula sa kasalukuyang mga digmaan sa mundo. Ngunit gusto kong bigyan diin ang mga digmaang ito dito mismo sa Pilipinas. Araw-araw may digmaang nagaganap sa Mindanao dahil sa mga kumakalaban at gusting pamunuan ang gobyerno natin gamit ang kanilang ideyolohiyang komonismo. Ngunit hindi naman padadaig ang ating gobyerno laban sa mga rebeldeng ito kaya’t napipilitang gumamit ng dahas an gating mga sundalo. Gaya ng nabanggit sa dula, ang kapangyarihan ng Imperyo ng Roman ay nag-ugat sa paggamit ng dahas at pagdalak ng dugo. Ganyan din ang nangyari sa Pilipinas bago nito nakamit ang kasarinlan. Maraming buhay ang ibinuwis laban sa mga mananakop at maging sa kasalukuyan ay tila gayun pa rin ang nangyayari dahil sa walang katapusang pagsulpot ng mga rebelde. Ang pagsasawalang kibo ng hari ng imperyo Romano ay mailalarawan sa uri ng pamamalakad ng gobyerno natin. Puro lang sila pasarap gamit ang kaban ng bayan. Ang tanging kaibahan lamang ni Romulus sa mga opisyal ng ating gobyerno ay ang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng tao kaysa sa bayan maliban dito ay wala na akong makitang kaibahan pa nila. Ang paghihirap ng mga nasasakupan ni Romulus ay maihahambing din natin sa kasalukuyang paghihirap ng ating mga  kababayang Pilipino dahil sa kapabayaan ng ating mga opisyales sa gobyerno na walang inatupag kundi pansariling kapakanan. Sa aking opinion ay dapat silang panoorin ng dulang ipinalabas ng PETA ng kahit konte naman ay tamaan ang kanilang matitigas na mga puso at mahiya naman sila sa kanilang mga pinaggagagawa sa ating bayan. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: